Friday, January 21, 2022

From a child

 

  Hindi naman sa pagiging immature, di makaintindi or self centered. Pero grabe pala no?


 Ewan ko kung this is too private, pero feel ko lang i share. Nagkita-kita kami ng family namin.


 It was actually fun if you asked me. Kasi close kami magpipinsan. No bad blood or something. Kaso....we open up some issues. Syempre pag may issue, may mga against and agree. May mga payo and pagsasabihan ka


 I always thought when i was a child na sobrang comfy ng part na to ng family namin. Kasi open kami, kaso ngayon na malaki na ako. I realized that they are a hypocrite sometimes. Na toxic din pala sila


We were having this conversation kasi my minor cousin, she already have a boyfriend, pero masyadong maaga pa. Mind you, hindi namin sinasabi to kasi hinahadlangan namin ah, this girl, she's....stupid, naive. 

Tas yun na, a lot of opinions and blah blah blah. Tas all throughout their conversation nakikinig lang ako. Why? I was observing them

I was observing kung paano nila i a approach yung problem. Aamin ko, that cousin of mine has a fault too. Pero the way our parents talk.

It's not that bad, pero they don't know how to listen. 

Sabi ng pinsan ko. Kaya sya nag boyfriend kasi yung boy laging nandyan to comfort him and laging may time sa kanya. And she indirectly said na may tampo sya sa magulang nya.

Na nagrerebelde sya kasi laging sya na lang. Sa totoo lang, i understand her. Kasi at the age of 6? 7? Sya na nag aalaga sa 2 kapatid nya. And nung bata pa lang sya laging nasa work parents nya.

Yes, they work para sa kanila din. But you can't blame her, as a child maghahanap ka din ng presence ng parents mo.

Then, nagsalita yung ibang nakakatanda. Na kesyo bakit pa sila nag rerebelde eh nasa kanila na lahat. 

She can go out, she have food and clothes and house. Kompleto parents nya. Ano pang gusto nya? Na swerte na daw sya kasi hindi siya gaya nila na lumaking wala mama nila sa tabi nila at di sila inaalagaan ng papa nila. Kaya maswerte na daw sya, kaya ano pang dapat nila maging problema

Yes, tama sila na maswerte kami, in terms of needs and family. Pero the "wala na kayong dapat problemahin kasi meron na kayo ng lahat" i completely disagree with that

Why? Oo, sila na yung nagbibigay ng kailangan namin, pero that doesn't mean na hindi na tayo magkakaproblema. 

"Wala kang problemahin kasi bata ka pa, nung ganyang edad namin ganyan ganto" No! Nung kayo yun, iba na ngayon.

The world doesn't work that way anymore. Oo, bata kami, just 18 or not 18 yet. Pero you know what? That's the worst part. Bata pa lang kami, pero ganto na agad.

Just the thought na ma disappoint kayo is a big problem na.

Tas yun nga, they don't know how to listen. They can't accept our opinions. 

It's funny how they don't know how to listen but still expect us to open up to them.

Nakakatakot. Nakakatakot mag sabi ng problema. 

Nakakatakot mag open-up knowing na they won't listen and won't even try to know where you're coming from

No comments:

Post a Comment

Post #1

   I don't know what should i do with my blog. Should i use it to share my thoughts? Or tuloy ko yung pagsulat ng short stories dito? Or...