I'm Melissa. I'm an average type of person sa lahat ng aspects. Kaya imagine kung gaano ako ka shocked nung niligawan ako ng highschool crush ko.
Si Bren, na ngayon boyfriend ko na. 3 years na kami. Masaya naman nung una, he's sweet, caring, respectful. After one year ng live in namin, plano na namin magpakasal.
Not until....he cheated.
Akala ko after the 1st time na nagawa nya yun wala nang kasunod.
"Babe I'm sorry. Babe i swear hindi ko alam. That picture? It looked like we kissed pero hindi babe kahit itanong mo pa sa tropa ko" paliwanag nya
Umiiyak ako habang naka upo sa sofa, habang si Bren naman ay naka upo sa harap ko, mugto ang mata kaiiyak at pinipilit na magpaliwanag.
Kahit anong pag-alo sa akin ni Bren ay tuloy tuloy pa din akong umiiyak. Ang sakit pala.
Kinabukasan ay tinanong ko ang tropa ni Bren na kasama nya nung nag club sila. At gaya ng sinabi ni Bren ay ganon din ang paliwanag nila. h
Dahil yun pa lang ang unang pagtatalo namin akala ko challenge lang yun sa relasyon namin.
Pero meron pa pala.
"Bren hindi ako bulag! Nakita kita! Nasa resto ka may ka date na babae! Kita mismo ng dalawang mata ko yun" sigaw ko pagka pasok namin ng bahay
"Ano ba Melissa! Sinabi ko na sayo! Walang namamagitan samin, katrabaho ko yun! Masyado kang selosa! Nakakasakal ka na" sigaw nya pabalik sakin
Nagulat ako sa pagsigaw nya sa akin. Never akong sinigawan ni Bren, ngayon lang. Habang nakatulala ako ay tuloy-tuloy na bumagsak ang luha sa mata ko
Padabog na lumabas si Bren ng bahay habang ako ay napaupo at napahagulgol.
Kinabukasan ay naabutan ko si Bren sa labas ng kwarto at may dalang pagkain as a sign of apology.
Nung una ay hindi ko sya pinatawad pero ilang beses syang nag sorry at umiyak sa harap ko kaya bumigay din ako.
Akala ko yun na yun, i thought thats the last.
Then it happened again, and again and again. Ilang ulit ng iyakan, ng sorry, ng i forgive you.Until we reached this point.
"Babe, may extra money ka ba dyan? May kailangan kasi akong bilhin, naubos laman ng account ko. So... pwedeng manghiram?" Tanong ni Bren sa phone
"Oo naman, magkano ba? Teka send ko sa account mo" sagot ko at sinend sa account nya ang pera through phone
"Okay na, na receive mo na ba?" Tanong ko
"Oo, sige bye na"
"Babe yung-" naputol ang sasabihin ko nang babaan ako ng telepono ni Bren
"Yung usapan natin" pagtutuloy ko sa sasabihin ko na parang maririnig pa yun ni Bren
Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na alisin ang negative. Dumiretso na lang ako sa mall para bumili ng cake at paborito ni Bren. Anniversary namin ngayon. Wala na akong time mag decorate ng bahay kaya bibili na lang ako ng favorite food nya.
Pagkarating ko sa mall ay agad akong bumili ng cake. Papunta na sana ako sa favorite restaurant ni Bren ng makita ko sya papasok ng restaurant, sisigaw na sana ako ng may babaeng biglang lumapit sa kanya.
Nilingkis ni Bren ang braso sa bewang ng babae at hinalikan ito.
Napatigil ako sa nakita ko. I saw him, smiling happily with a girl.
Ganyan kami dati eh, i used to be the reason of that smile. Napatingin ako sa taas para pigilan ang luha ko at lumabas na ng mall para umuwi.
Pagka uwi ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hinihintay kong umiyak ako pero walang luha na nalabas.
Masakit, pero bat hindi ako naiiyak? Bakit ganto?
Alas dose ng madaling araw nakauwi si Bren at naabutan nya akong naglalaptop sa sala.
"Babe, bat gising ka pa?" Tanong nito at hinalikan ako sa sentido.
Hindi ako sumagot at tinuloy lang ang tinatapos ko, hinihintay kong may sabihin sya. Na baka naalala man lang nya kung anong araw ngayon. Pero wala
Nakita nya ang cake na nasa mesa at tinanong ako
"What's with the cake? Di mo naman birthday diba? Sa june pa birthday mo" tanong nya at kumuha ng slice ng cake
Sinagot ko sya ng hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop.
"Wala, gusto ko lang" walang gana kong sagot
'and my birthday is in August not June' gusto ko yang sabihin pero hindi ko na tinuloy
Umupo sya sa tabi ko at aalukin sana na subuan ako ng cake ng isara ko ang laptop ko ang nagligpit na ng gamit saka tumayo
"San ka pupunta?" Tanong nya na parang naninibago sa kilos ko
"Papahinga, pagod na ako eh" sagot ko at iniwan na sya sa sala
Nagtuloy ng ilang araw ang ganon kong pakikitungo sa kanya. Iniiwasan ko sya at hindi na kami masyadong nag uusap dahil aalis ako ng tulog sya at napapadalas ang pag overtime ko sa trabaho.
Isang araw pauwi na ako ng makita ko sa bus station si Bren na may kayakap na babae. Bago pa ako maka alis ay nakita na ako ni Bren. Agad syang humiwalay sa babae at lumapit sakin
"Babe!" Gulat na sigaw nya.
Sinubukan akong sundan ni Bren pero buti nalang umandar agad yung bus na sinakyan ko. Pagka dating ko ng bahay, maya-maya ay dumating din si Bren
"Babe, i can explain" agad na sabi nya
"Kahit wag na, alam ko naman na, last week pa" sagot ko
Halatang nagulat sya sa sinabi ko
"Babe-"
"Nga pala, aalis na ako dito." Putol ko sa sasabihin nya
"B-babe wag naman ganito oh, Babe I'm sorry babe. Babe magpapakasal pa tayo diba? Wag mo naman akong iwan babe" sabi nya habang umiiyak na
Tumitig muna ako sa kanya. Sa umiiyak nyang mukha, waiting if i still have a feeling for me to forgive him. Pero wala na eh
"Akala ko din eh, akala ko ikaw na yung papakasalan ko. Pero hindi pala." Sagot ko
"Babe I'm sorrry please" sabi nya at lumuhod sa harap ko
"Sorry nanaman? Alam mo Bren, i realized something. Tama pala yung nabasa ko dati"
Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy
"Sabi nila kada patatawarin natin yung taong mahal natin, nababawasan yung pagmamahal natin sa kanila. Kaya kahit gaano natin sila ka mahal, napapagod tayo"
"Babe please wag mo ko iwan"
"And you know what, grabe pala kita kamahal noh? Kasi it took a lot of your sorry's, as in a lot, before my feelings for you ended. Sobra kitang minahal to the point na pati yung para sa akin? Nabigay ko na sayo. And now, I'm done, finally" huling sabi ko bago kinuha ang nakaimpake ko nang gamit at tuluyang lumabas.
Hinabol pa ako ni Bren pero hindi ako nagpatigil. Wala na. Tapos na.
Ako naman muna