I don't know what should i do with my blog. Should i use it to share my thoughts? Or tuloy ko yung pagsulat ng short stories dito? Or should i use this as a platform for my future ideas for books na isusulat ko?
PilingerangPrincess BlogSpot
Sunday, March 20, 2022
Friday, January 21, 2022
From a child
Hindi naman sa pagiging immature, di makaintindi or self centered. Pero grabe pala no?
Ewan ko kung this is too private, pero feel ko lang i share. Nagkita-kita kami ng family namin.
It was actually fun if you asked me. Kasi close kami magpipinsan. No bad blood or something. Kaso....we open up some issues. Syempre pag may issue, may mga against and agree. May mga payo and pagsasabihan ka
I always thought when i was a child na sobrang comfy ng part na to ng family namin. Kasi open kami, kaso ngayon na malaki na ako. I realized that they are a hypocrite sometimes. Na toxic din pala sila
We were having this conversation kasi my minor cousin, she already have a boyfriend, pero masyadong maaga pa. Mind you, hindi namin sinasabi to kasi hinahadlangan namin ah, this girl, she's....stupid, naive.
Tas yun na, a lot of opinions and blah blah blah. Tas all throughout their conversation nakikinig lang ako. Why? I was observing them
I was observing kung paano nila i a approach yung problem. Aamin ko, that cousin of mine has a fault too. Pero the way our parents talk.
It's not that bad, pero they don't know how to listen.
Sabi ng pinsan ko. Kaya sya nag boyfriend kasi yung boy laging nandyan to comfort him and laging may time sa kanya. And she indirectly said na may tampo sya sa magulang nya.
Na nagrerebelde sya kasi laging sya na lang. Sa totoo lang, i understand her. Kasi at the age of 6? 7? Sya na nag aalaga sa 2 kapatid nya. And nung bata pa lang sya laging nasa work parents nya.
Yes, they work para sa kanila din. But you can't blame her, as a child maghahanap ka din ng presence ng parents mo.
Then, nagsalita yung ibang nakakatanda. Na kesyo bakit pa sila nag rerebelde eh nasa kanila na lahat.
She can go out, she have food and clothes and house. Kompleto parents nya. Ano pang gusto nya? Na swerte na daw sya kasi hindi siya gaya nila na lumaking wala mama nila sa tabi nila at di sila inaalagaan ng papa nila. Kaya maswerte na daw sya, kaya ano pang dapat nila maging problema
Yes, tama sila na maswerte kami, in terms of needs and family. Pero the "wala na kayong dapat problemahin kasi meron na kayo ng lahat" i completely disagree with that
Why? Oo, sila na yung nagbibigay ng kailangan namin, pero that doesn't mean na hindi na tayo magkakaproblema.
"Wala kang problemahin kasi bata ka pa, nung ganyang edad namin ganyan ganto" No! Nung kayo yun, iba na ngayon.
The world doesn't work that way anymore. Oo, bata kami, just 18 or not 18 yet. Pero you know what? That's the worst part. Bata pa lang kami, pero ganto na agad.
Just the thought na ma disappoint kayo is a big problem na.
Tas yun nga, they don't know how to listen. They can't accept our opinions.
It's funny how they don't know how to listen but still expect us to open up to them.
Nakakatakot. Nakakatakot mag sabi ng problema.
Nakakatakot mag open-up knowing na they won't listen and won't even try to know where you're coming from
Monday, January 17, 2022
Ako naman muna
I'm Melissa. I'm an average type of person sa lahat ng aspects. Kaya imagine kung gaano ako ka shocked nung niligawan ako ng highschool crush ko.
Si Bren, na ngayon boyfriend ko na. 3 years na kami. Masaya naman nung una, he's sweet, caring, respectful. After one year ng live in namin, plano na namin magpakasal.
Not until....he cheated.
Akala ko after the 1st time na nagawa nya yun wala nang kasunod.
"Babe I'm sorry. Babe i swear hindi ko alam. That picture? It looked like we kissed pero hindi babe kahit itanong mo pa sa tropa ko" paliwanag nya
Umiiyak ako habang naka upo sa sofa, habang si Bren naman ay naka upo sa harap ko, mugto ang mata kaiiyak at pinipilit na magpaliwanag.
Kahit anong pag-alo sa akin ni Bren ay tuloy tuloy pa din akong umiiyak. Ang sakit pala.
Kinabukasan ay tinanong ko ang tropa ni Bren na kasama nya nung nag club sila. At gaya ng sinabi ni Bren ay ganon din ang paliwanag nila. h
Dahil yun pa lang ang unang pagtatalo namin akala ko challenge lang yun sa relasyon namin.
Pero meron pa pala.
"Bren hindi ako bulag! Nakita kita! Nasa resto ka may ka date na babae! Kita mismo ng dalawang mata ko yun" sigaw ko pagka pasok namin ng bahay
"Ano ba Melissa! Sinabi ko na sayo! Walang namamagitan samin, katrabaho ko yun! Masyado kang selosa! Nakakasakal ka na" sigaw nya pabalik sakin
Nagulat ako sa pagsigaw nya sa akin. Never akong sinigawan ni Bren, ngayon lang. Habang nakatulala ako ay tuloy-tuloy na bumagsak ang luha sa mata ko
Padabog na lumabas si Bren ng bahay habang ako ay napaupo at napahagulgol.
Kinabukasan ay naabutan ko si Bren sa labas ng kwarto at may dalang pagkain as a sign of apology.
Nung una ay hindi ko sya pinatawad pero ilang beses syang nag sorry at umiyak sa harap ko kaya bumigay din ako.
Akala ko yun na yun, i thought thats the last.
Then it happened again, and again and again. Ilang ulit ng iyakan, ng sorry, ng i forgive you.Until we reached this point.
"Babe, may extra money ka ba dyan? May kailangan kasi akong bilhin, naubos laman ng account ko. So... pwedeng manghiram?" Tanong ni Bren sa phone
"Oo naman, magkano ba? Teka send ko sa account mo" sagot ko at sinend sa account nya ang pera through phone
"Okay na, na receive mo na ba?" Tanong ko
"Oo, sige bye na"
"Babe yung-" naputol ang sasabihin ko nang babaan ako ng telepono ni Bren
"Yung usapan natin" pagtutuloy ko sa sasabihin ko na parang maririnig pa yun ni Bren
Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na alisin ang negative. Dumiretso na lang ako sa mall para bumili ng cake at paborito ni Bren. Anniversary namin ngayon. Wala na akong time mag decorate ng bahay kaya bibili na lang ako ng favorite food nya.
Pagkarating ko sa mall ay agad akong bumili ng cake. Papunta na sana ako sa favorite restaurant ni Bren ng makita ko sya papasok ng restaurant, sisigaw na sana ako ng may babaeng biglang lumapit sa kanya.
Nilingkis ni Bren ang braso sa bewang ng babae at hinalikan ito.
Napatigil ako sa nakita ko. I saw him, smiling happily with a girl.
Ganyan kami dati eh, i used to be the reason of that smile. Napatingin ako sa taas para pigilan ang luha ko at lumabas na ng mall para umuwi.
Pagka uwi ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hinihintay kong umiyak ako pero walang luha na nalabas.
Masakit, pero bat hindi ako naiiyak? Bakit ganto?
Alas dose ng madaling araw nakauwi si Bren at naabutan nya akong naglalaptop sa sala.
"Babe, bat gising ka pa?" Tanong nito at hinalikan ako sa sentido.
Hindi ako sumagot at tinuloy lang ang tinatapos ko, hinihintay kong may sabihin sya. Na baka naalala man lang nya kung anong araw ngayon. Pero wala
Nakita nya ang cake na nasa mesa at tinanong ako
"What's with the cake? Di mo naman birthday diba? Sa june pa birthday mo" tanong nya at kumuha ng slice ng cake
Sinagot ko sya ng hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop.
"Wala, gusto ko lang" walang gana kong sagot
'and my birthday is in August not June' gusto ko yang sabihin pero hindi ko na tinuloy
Umupo sya sa tabi ko at aalukin sana na subuan ako ng cake ng isara ko ang laptop ko ang nagligpit na ng gamit saka tumayo
"San ka pupunta?" Tanong nya na parang naninibago sa kilos ko
"Papahinga, pagod na ako eh" sagot ko at iniwan na sya sa sala
Nagtuloy ng ilang araw ang ganon kong pakikitungo sa kanya. Iniiwasan ko sya at hindi na kami masyadong nag uusap dahil aalis ako ng tulog sya at napapadalas ang pag overtime ko sa trabaho.
Isang araw pauwi na ako ng makita ko sa bus station si Bren na may kayakap na babae. Bago pa ako maka alis ay nakita na ako ni Bren. Agad syang humiwalay sa babae at lumapit sakin
"Babe!" Gulat na sigaw nya.
Sinubukan akong sundan ni Bren pero buti nalang umandar agad yung bus na sinakyan ko. Pagka dating ko ng bahay, maya-maya ay dumating din si Bren
"Babe, i can explain" agad na sabi nya
"Kahit wag na, alam ko naman na, last week pa" sagot ko
Halatang nagulat sya sa sinabi ko
"Babe-"
"Nga pala, aalis na ako dito." Putol ko sa sasabihin nya
"B-babe wag naman ganito oh, Babe I'm sorry babe. Babe magpapakasal pa tayo diba? Wag mo naman akong iwan babe" sabi nya habang umiiyak na
Tumitig muna ako sa kanya. Sa umiiyak nyang mukha, waiting if i still have a feeling for me to forgive him. Pero wala na eh
"Akala ko din eh, akala ko ikaw na yung papakasalan ko. Pero hindi pala." Sagot ko
"Babe I'm sorrry please" sabi nya at lumuhod sa harap ko
"Sorry nanaman? Alam mo Bren, i realized something. Tama pala yung nabasa ko dati"
Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy
"Sabi nila kada patatawarin natin yung taong mahal natin, nababawasan yung pagmamahal natin sa kanila. Kaya kahit gaano natin sila ka mahal, napapagod tayo"
"Babe please wag mo ko iwan"
"And you know what, grabe pala kita kamahal noh? Kasi it took a lot of your sorry's, as in a lot, before my feelings for you ended. Sobra kitang minahal to the point na pati yung para sa akin? Nabigay ko na sayo. And now, I'm done, finally" huling sabi ko bago kinuha ang nakaimpake ko nang gamit at tuluyang lumabas.
Hinabol pa ako ni Bren pero hindi ako nagpatigil. Wala na. Tapos na.
Ako naman muna
Post #1
I don't know what should i do with my blog. Should i use it to share my thoughts? Or tuloy ko yung pagsulat ng short stories dito? Or...